WATCH| Isang Mag-aaral na Kukuha lang ng Food Delivery, Hinuli dahil daw sa 'Violations' "EH Door to Door naman!"
Kumalat sa social media ang video ng isang mag-aaral na dinampot ng mga barangay tanod dahil umano sa paglabag sa curfew. Giit naman ng estudyante, kinuha lang niya ang pina-deliver niyang pagkain.
Dahil sa ginawa ng mga tauhan ng barangay, napilitan si LJ Cabangis na mag Facebook live para idokumento ang ginawa sa kaniya ng mga tanod.
“Ito hinuli ako ah. Nandon lang ako sa tapat ng bahay ko kinuha ko lang yung Grabfood,” sabi ni Cabangis.
Para naman sa tanod, malayo daw si Cabangis sa bahay nito.
“Malayo po siya sa bahay… Nakita po namin siya pagbaba ng patrol namin bigla siyang nawala, sabi niya bahay namin ito,” ayon sa tanod na si Carlito Miniano.
Kalaunan ay pinauwi din si Cabangis pero inerereklamo nito ang naging trato sa kaniya ng mga taga-barangay. Ayon sa estudyante, minura at inambahan pa raw siya ng mga tanod.
Dahil sa ginawa ng mga tanod, nagsumbong si Cangis sa mga pulis. Iimbestigahan naman ng barangay ang nangyaring insidente.
“Door to door na ito. Kaya lang alam mo naman… kung nasa iskinita at hirap makapasok ang delivery, allowed at maja-justify naman iyan. Bibigyan ng konsiderasyon ng mga enforcers,” paliwanag ni Rannie Ludovica, Hepe ng Tasok Force Disiplina ng Quezon City.
WATCH| Isang Mag-aaral na Kukuha lang ng Food Delivery, Hinuli dahil daw sa 'Violations' "EH Door to Door naman!"
Reviewed by haplasin
on
March 30, 2021
Rating:
No comments:
Note: Only a member of this blog may post a comment.