Marami sa ating mga kababayan ang walang tirahan na maayos kaya naman ang ilan ay nagtitiis na manirahan sa kalye kahit na delikado ito para sa kanila. Walang silang tirahan na magsisilbing proteksyon kung may ulan man na bubuhos o mainit na sikat ng araw.
Isang mag-ama naman ang nakita na natutulog sa ibabaw ng sako-sakong basura. Tila tinitiis ang masangsang na amoy at maduduming basura ng mag-ama para lamang makatulog. Nagsilbing malambot na kama ang sako-sakong basura na ito sa mag-ama.
Mula ang larawan na ito sa Facebook Page ng Bayan Ko. Dahil dito, marami naman sa mga netizens ang naawa at nahabas sa kalagayan ng mag-ama. Marami din ang nagkomento na nais nilang maipaabot ang kalagayan ng ma-ama sa mga programang nagbibigay ng tulong lalo na sa mga kapos sa buhay.
Hiling din ng mga netizens na mabigyan ng kaligtasan at matutuluyan ang mag-ama dahil lubhang mapanganib ito para sa kanila lalo na kalusugan nilang dalawa. Makikita sa larawan na musmos pa ang bata na yakap-yakap ng kanyang ama.
Kaya naman, kung susuriin natin at pagmamasdan ang mga tao sa kapaligiran ay maswerte pa din ang ilan sa atin dahil kahit papaano may inuuwian tayong tirahan.
KAAWA AWA| Mag-Ama, Natagpuang Natutulog sa Tambak na Basura dahil Walang Matuluyan!
Reviewed by haplasin
on
March 30, 2021
Rating:
No comments:
Note: Only a member of this blog may post a comment.