WATCH| Ang katotohanan sa literal na Paglagay ng pader sa Kalsada sa isang barangay sa Muntinlupa "Alamin ang Totoo!"
Hindi makapaniwala ang ilang residente ng Southville 3 sa Muntinlupa matapos isara ang isa sa mga kalsada na dinadaanan nila bilang paghahanda diumano sa lockdown.
Ang matindi pa dito ay tinayuan mismo ng pader ng ilang mga kalalakihan ang nasabing kalsada upang hindi na talaga madaanan ng mga motorista ang nasabing kalsada.
Ayon sa ilang residente ng Southville 3 ay mga taga Bureau of Corrections daw ang may pakana ng nasabing pader.
Ang nasabing kalsada ay ginagamit papuntang Maximim Security Compound, ngunit marami na ring residente ng Muntinlupa ang gumagamit nito.
“Makatarungan ba yung ginawa niyo samin hinarangan niyo daanan,pano na yung mga tricycle driver na may pamilya halos araw araw yun lang buhay nila kalsada yung mga naghahanap buhay ng marangal masyado niyong inabala dapat makarating to sa pinakamataas hirap na nga buhay mas lalo niyo pa kaming nilulubog,” ani netizen Berlin De Villa Nieva.
“Grabe ginawa niyo bucor saming mga taga Southville 3 sana hinintay niyo muna magkaroon ng maayus na biyahe dto samin bago niyo sinara paano ngaun ung mga taong napasok sa trabaho na need mag tipid need ng mas maiksing oras sa biyahe dahil sa ginawa niyo napamahal sila sa pamasahe napalau pa biyahe nila paano na ang mga tricyvle driver na nabiyahe pa bayan na kumukha ng ikakabuhay nila sa pamilya nila sana inisip niyo muna un bago kau gumawa ng ganyang desisyun at sana pamahalaang muntinlupa ma gawan naman ng paraan to mabigyan niyo nman kmi ng maayus na daan para dto isipin niyo sana mga tao sa Southville 3,” sabi pa ni netizen Mira Ogacho Richie.
Pinuntahan na ni Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon ang lugar kung saan itinayo ang pader upang kausapin ang mga miyembro ng Bucor upang pag usapan ang nasabing problema.
Makikita naman na nag tipon tipon na ang ilang tao malapit sa itinatayong pader kaya naman hindi na nasunod ang social distancing na pinapairal ngayon.
Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang Bucor tungkol sa kanilang desisyon na harangan ang nasabing kalsada.
WATCH| Ang katotohanan sa literal na Paglagay ng pader sa Kalsada sa isang barangay sa Muntinlupa "Alamin ang Totoo!"
Reviewed by haplasin
on
March 22, 2021
Rating:
No comments:
Note: Only a member of this blog may post a comment.