HULI AT KULONG| Magkumareng Tsismosa, Kulong matapos ireklamo ng Paninirang-puri ng Kapitbahay


Magkumareng Tsismosa, Kulong matapos ireklamo ng kanilang kapitbahay dahil sa paninirang-puri.

Nabasa ko sa isang post na mas delikado daw ang "Chismosavirus" kaysa coronavirus, dahil kaya nitong sirain ang Pamilya mo at pagkatao mo sa ibang tao.

Kaya sana ay may masampulan na at ng makulong ang mga chismosa sa bawat sulok ng bansa.

Kamakailan lang ay iniulat sa Philippine Star na may inaresto ang mga Pulis sa Cagayan, ito ay dalawang magkaibigan na nagpapakalat diumano ng mga tsismis tungkol rin sa kanilang mga kapitbahay ng wala namang katotohanan.

Ayon sa ulat ng Philippine Star, ang dalawa ay nadakip sa kanilang lugar sa Barangay Maura, Aparri, Cagayan dahil marami na rin sa kanilang mga lalaking kapitbahay ang inirereklamo silang dalawa dahil sinisiraan umano sila ng sinasabing mga 'tsismosa' at kung ano ano ang sinasabi ng mga ito patungkol sa kanila.

Base din sa ulat, nagalit ang mga lalaki na kanilang kapitbahay dahil sa pag gawa ng issue na ang mga ito ay babaero daw.

Itinanggi naman ng mga lalaki na walang katotohanan sa mga pinagkakalat ng dalawang babae, kaya minarapat na inireklamo ng mga ito sa pulis at ng mabigyan ng leksyon at matigil na sila sa kanilang masamang gawain.

Sa ngayon, ang dalawa ay nakakulong pa rin at naghihintay rin sa pagdinig ng kanilang kaso. Marami naman sa mga netizens ang nabahala dahil na rin sa ginagawang aksyon sa dalawang ito na sinasabing mga tsismosa.

Kung para sa iba, ito ay maaaring libangan lamang nila. Ngunit, lingid sa kanilang kaalaman na maaari silang makulong at haharap sa kaso kung ito ay hindi papalampasin ng tao na ginagawan nila ng kwento.


HULI AT KULONG| Magkumareng Tsismosa, Kulong matapos ireklamo ng Paninirang-puri ng Kapitbahay HULI AT KULONG| Magkumareng Tsismosa, Kulong matapos ireklamo ng Paninirang-puri ng Kapitbahay Reviewed by haplasin on March 22, 2021 Rating: 5

No comments:

Note: Only a member of this blog may post a comment.

Powered by Blogger.