PANOORIN| Kris Aquino Sobrang pinagmumura ni Mystica “Kung hindi dahil sa pamilyang Aquino, hindi sana ako nawalan ng ama!”


Pinaulanan ng mura ng dating aktres na si Ruby Rose “Mystica” Villanueva si Kris Aquino ilang araw matapos nitong ilabas ang kanyang tell-all video.

Sa isang video, hindi maitago ni Mystica ang pagkdismaya sa mga sinabi ni Kris tungkol sa sakripisyo diumano na ginawa ng kanyang ama at ina na si dating Senador Ninoy Aquino Jr. at dating President Cory Aquino.

Ayon kasi kay Mystica ay ang tunay na nagsakripisyo para magtagumpay ang ama at ina ni Kris ay ang taumbayan, kasama na ang mga magulang ng dating aktres.

“Ang kapal mo naman sabihin na ang nanay at tatay mo ibinuwis ang buhay para sa Pilipinas, hindi mo ba alam na kami ang nagbuwis ng buhay noong nandoon kami sa EDSA?
Nagtiis kami, sa init, sa gutom, nagtiis kami para lang maka suporta sa nanay mo,” ani Mystica.

“Kung tutuusin, ang nanay at tatay mo ang may utang sa aming pamilya dahil kundi dahil sa magmamanipulate ng ama at nanay mo sa tatay ko edi sana hindi ako nawalan ng ama, p***** *** ka, tapo sasabihin mo kami ang may utang sa pamilya mo? pweh,” dagdag niya pa.

Ipinagmalaki rin ni Mystica na hindi niya na kailangan ng magandang background katulad ng ginawa ni Kris sa kanyang tell-all video.

Hindi daw papatalo ang dating aktres kay Kris kung pagdating lang sa drama.

“Kung drama lang ang usapan, hindi uurungan o ano? Drama tayo? Hangga’t nabubuhay hindi ako papayag na ikaw ang magiging queen of drama,” sabi niya pa.

Pinuna muli ni Mystica ang pamilya ni Kris at sinabi na dahil kay Ninoy at Cory hindi sana daw siya nawalan ng ama.
div>
“Ang tatay ko ay nabiktima niyo, ang kinikimkim ko atleast naiparamdam ko na sa’yo, ayan lalabas na.. lalabas na..” sabi pa ni Mystica habang tila pinipilit nitong maluha.

Hindi naman malaman kung ano nga ba ang ginawa ng pamilya ni Kris sa ama ng dating aktres.

Umabot na ng mahigit dalawang libong views ang video na ito ni Mystica.


PANOORIN| Kris Aquino Sobrang pinagmumura ni Mystica “Kung hindi dahil sa pamilyang Aquino, hindi sana ako nawalan ng ama!” PANOORIN| Kris Aquino Sobrang pinagmumura ni Mystica “Kung hindi dahil sa pamilyang Aquino, hindi sana ako nawalan ng ama!” Reviewed by haplasin on March 26, 2021 Rating: 5

No comments:

Note: Only a member of this blog may post a comment.

Powered by Blogger.