LOOK: Pamilya ng Basketball Legend na si Robert Jaworski Sr. Nanawagan ng dasal para sa Mabilis na Paggaling nito "Dasal para kay Jawo!"


Ang PBA Hall of Famer at dating senador na si Robert Jaworski Sr. ay isiniwalat na naospital noong nakaraang taon dahil sa pneumonia.

Sa isang opisyal na pahayag mula sa kanyang pamilya, ipinabatid nila sa publiko na si Jaworski ay kasalukuyang gumagaling ngunit nahihirapan siyang mabawi ang kanyang kalusugan dahil sa isang abnormalidad sa dugo na na-diagnose noong 2016.

Ang dating senador na kamakailan lamang ay nagdiwang ng kanyang ika-75 kaarawan noong Marso 8, 2021, ay isiniwalat din nagpa swab test ito at negatibo siya sa C0VID-19.

"Noong nakaraang taon isinugod siya sa hospital dahil sa pneumonia, nagpa swab test siya at negatibo sa Covid. Nahihirapan din siya sa pagpapalakas at pagbalik ng kanyang timbang pero sa kabila ng lahat patuloy pa din siya lumalaban at nakakagalaw ng kaunti.
Taong 2016 nadiskobre ng doctor niya yung abnormality sa kanyang dugo. Sa ngayon dasal at paggaling lamang niya ang aming hiling. Gusto din po sana namin ng privacy para sa patuloy niya na pagpapagaling, maraming salamat po sa mga suporta at dasal ninyo. "-Jaworski Family


Si Robert Jaworski Sr. ay nag-trending sa Twitter gamit ang hashtag na #DasalParaKayJawo matapos na mailabas ang opisyal na pahayag ng kanyang pamilya. Ang mga tagahanga ng buhay na alamat ay nag-post ng kanilang mga panalangin at suporta.

Dasal para kay Jawo!


LOOK: Pamilya ng Basketball Legend na si Robert Jaworski Sr. Nanawagan ng dasal para sa Mabilis na Paggaling nito "Dasal para kay Jawo!" LOOK: Pamilya ng Basketball Legend na si Robert Jaworski Sr. Nanawagan ng dasal para sa Mabilis na Paggaling nito "Dasal para kay Jawo!" Reviewed by haplasin on March 26, 2021 Rating: 5

No comments:

Note: Only a member of this blog may post a comment.

Powered by Blogger.