PANOORIN| Isang Chinese na babae na in-love sa taong grasa at ayaw na umalis sa tabi nito "True Love"
Nag-viral online ang isang eksena kung saan ang isang babaeng Chinese ay ayaw umalis sa tabi ng taong grasa.
Binahagi ito ng Kabiyak at may caption ang video na "Chinese national na in love sa taong grasa"
Kahit anong kumbinsi kasi sa babae, matindi ang pag-iling nito at ayaw iwan ang taong grasa na tila may sakit sa pag-iisip.
Halos pilitin na siya ng kapwa niya Chinese na kumakausap sa kanya, kumapit pa ito sa lalaking taong grasa at mas lalong sumiksik sa tabi nito.
Nakumbinsi lamang ang chinese nang unang pinasakay ang taong grasa sa patrol car ng lungsod ng Parañaque. Maririnig ang pag-uusap ng mga nanonood sa eksenang tila mula sa isang pelikula.
Maririnig din na nagbiruan pa ang ilang kumukuha ng video na tila dinaig pa sila ng taong grasa at nakahanap ito ng "magmamahal" sa kanya at ibang nasyunalidad pa
Maging ang mga netizens ay nagulat sa eksena sa video. Narito ang ilan sa kanilang mga komento: "Yan ang tunay na pagibig kaya hayaan niyo na.
Pinapaalis niyo kasi di niyo matanggap na ganyan pinili ng kalahi nila"
"Mukhang wala rin sa sarili itong Chinese kaya rin nila pilit na nire-rescue"
"Totoo ba ito? Nakakaloka buti pa yung taong grase may love life, ako waley!"
"Hala, in love nga ata si ate, kapit na kapit sa lalaki pero ang tanong, nasa tamang pag-iisip ba sila pareho?"
"Tama lang na i-rescue, parang pareho di silang may tama sa utak, delikado yan"
PANOORIN| Isang Chinese na babae na in-love sa taong grasa at ayaw na umalis sa tabi nito "True Love"
Reviewed by haplasin
on
March 29, 2021
Rating:
No comments:
Note: Only a member of this blog may post a comment.