LOOK: Anak ni Francis Magalona na si Saab, may banat sa gobyerno: “Walang trabaho, walang ayuda at walang plano!”
Hindi na nakapagpigil pa ang anak ng legendary pinoy rapper na si Francis Magalona matapos ilagay muli ng gobyerno ang Metro Manila at ilang probinsiya sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine.
Sa isang tweet, hindi nagdalawang isip si Saab Magalona na banatan ang gobyerno at kinuwestiyon kung kakayanin ba ng mga simpleng mamamayan na malampasan ang isang linggong ECQ.
“Ano na nga ulit yun? Yun ba yung di ka pwede lumabas ng bahay tapos walang trabaho, walang ayuda, at walang plano yung gobyerno? Ah ok!” ani Saab.
Nagbigay din ito ng komento sa isang netizen na sinabi na pinabayaan na daw ng gobyerno ang mga tao.
“Kung kanya kanya lang din naman tayo ng ways para mabuhay, tigilan na natin pagbabayad ng tax. Dagdag pambuhay sa sarili din yon,” sabi ni @wealwamos, na pinaboran naman ni Saab.
Isa si Saab sa mga kilalang personalidad na taga suporta ni Bise President Leni Robredo na namumuno ngayon sa oposisyon.
Kilala rin ito sa kanyang mga pahayag laban kay Duterte katulad ng pagtawag nitong ‘kadiri’ sa Pangulo.
Noong 2017 nga ay sinabi ni Saab na hinding hindi siya mapapatahimik ng mga taga suporta ng administrasyon.
Ano na nga ulit yun? Yun ba yung di ka pwede lumabas ng bahay tapos walang trabaho, walang ayuda, at walang plano yung gobyerno? Ah ok! https://t.co/PPqinCBu92
— Saab (@saabmagalona) March 27, 2021
TRUUUUUUUUUUUUUUUUUUE
— Saab (@saabmagalona) March 27, 2021
LOOK: Anak ni Francis Magalona na si Saab, may banat sa gobyerno: “Walang trabaho, walang ayuda at walang plano!”
Reviewed by haplasin
on
March 29, 2021
Rating:
No comments:
Note: Only a member of this blog may post a comment.