Sa kaniyang Youtube channel, binanatan ng mamamahyag na si Raffy Tulfo si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque at si Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo.
Ilan sa mga inungkat ni Tulfo ay ang ginagawa umanong pagharang sa mga murang gamot na maaaring gamitin laban sa c0v1d. Ilan sa mga gamot na ito ay ang ivermectin.
Ikinumpara din ni Tulfo ang lubos na pagkakaiba ng presyo ng Redemsivir sa Pilipinas at sa India. Ayon kay Tulfo, ang presyo daw ng naturang gamot sa India ay Php 595 pesos. Samantala, sa Pilipinas daw ay umaabot ito ng Php 18,000 per injection.
“Bakit nga ba mas mura ang gamot sa India kaysa dito sa Pilipinas? Hanggang ngayon hindi pa nabibigyan ng kasagutan iyan. In fact, that was already investigated in the senate but up to now wala pang malinaw na dahilan kung bakit kaya ng India mag produce ng murang gamot sa maintainance at anti-biotics versus dito sa Pilipinas. Ang sagot, your guess is as good as mine,” banat ni Tulfo.
Hinamon din ni Tulfo na magbitiw na sa puwesto si Sec. Duque maging si FDA Director Domingo.
“Ngayon, ang malaking tanong ko sa iyo Dr. Duque. Bakit sa kabila ng napakarami ng panawagan na ikaw ay mag-resign mula sa iba’t ibang sectors, even senators na ka-alyado ng Pangulo, maging ang mga kapwa niyo doktor, bakit ayaw niyo pa rin sir? Ang sinasabi niyo ay, ‘I serve at the pleasure of the President’. Kung may prinsipyo po kayo at ayaw niyo mapahiya ang Presidente, do him a big favor, kayo na ang mag-resign para hindi siya napapahiya. Bakit kapit-tuko ka pa rin?” buwelta pa ni Tulfo.
WATCH| Sobrang galit na Mensahe ni Raffy Tulfo kay DOH Sec. Duque ‘Mag-resign ka na!’
Reviewed by haplasin
on
April 05, 2021
Rating:
No comments:
Note: Only a member of this blog may post a comment.