WATCH| Grupo ng mga Babae na humakot ng isang pantry, iginiit na hindi sila nagnakaw: “Kaya po namin isoli yon!”


Iginiit ng grupo na huling huli sa social media na nanimot ng isang community pantry sa Pasig City na hindi sila nagnakaw.

Sa panayam sa kanila ng 24-oras ay iginiit nila na wala silang ginawang masama at ipinamahagi lamang nila ang mga nakuha nila sa kanilang mga kamag anak.

Tila tumaas pa ang boses nila habang ipinagtatanggol ang kanilang sarili.

Ayon kay “Ika” ay nagtanong naman daw sila kung maari ba silang kumuha sa community pantry.

Mariin niyang itinanggi na nagnakaw sila.


“Pasensya narin po kung ganon yung naging asal namin pero lilinawin lang po namin hindi kami nagnakaw,” ani Ika.

Sabi naman ng isa pa sa mga babae na si “Shawie” ay kayang kaya daw nilang isauli ang kanilang kinuha sa community pantry.

“Kaya naming isauli yan! Kung ganyan lang din lang na ilalabas niyo sa social media,” hamon ni Shawie.


Naawa narin daw siya sa kanyang kasama dahil masyado na daw itong binabatikos sa internet.

Ipinakita pa nila ang mga kapitbahay na nakatanggap daw ng bahagi sa sinimot ng mga babae sa community pantry.

May mensahe naman ang may ari ng nasabing community pantry na si Carla Quiogue sa grupo nila Shawie, Ika at sa iba pang sumimot ng kanyang ipimamamahaging pagkain.

“Hindi lang ‘yung pamilya nila o hindi lang ‘yung street nila ‘yung mga nagugutom. Marami sanang gustong kumuha pero ‘yun nga, di nakakuha kasi kinuha nila lahat,” sabi ni Ica.

Matatandaan na isa sa mga babae ang kumalat na ang pagkakakilanlan sa social media at nakipagpalitan pa ng mensahe sa mga netizens.


WATCH| Grupo ng mga Babae na humakot ng isang pantry, iginiit na hindi sila nagnakaw: “Kaya po namin isoli yon!” WATCH| Grupo ng mga Babae na humakot ng isang pantry, iginiit na hindi sila nagnakaw: “Kaya po namin isoli yon!” Reviewed by haplasin on April 20, 2021 Rating: 5

No comments:

Note: Only a member of this blog may post a comment.

Powered by Blogger.