WATCH| Babae sa Viral Lugaw Video Nagbigay na ng Pahayag "Stop bashing me, give me a chance to change my mistakes"
Naninindigan si Phez Raymundo sa ginawa niyang pagharang sa food delivery rider na maghahatid lang sana ng lugaw. Ayon kay Raymundo, may pinanghahawakan daw siyang ordinansa kaya hindi niya itinuring na essential item ang lugaw.
“Bakit may Grab pa kasi? Bawal na ho tambay. Kasi hanggang bukas kayo, may taong lalabas, may magde-deliver. Non-sense, Sir. Video mo pa ako… Hindi nyo ba naiintindihan?… Essential po ba si lugaw? Hindi… Kasi mabubuhay ang tao nang walang lugaw… Edi sana lahat ng pagkain bukas… Hindi po essential si lugaw, mabubuhay po tayong walang lugaw maghapon,” sabi ni Raymundo.
Giit ni Raymundo na hindi siya tinanggal sa trabahao tulad ng mga lumalabas sa social media. Nag-deactivate na rin daw siya ng kaniyang social media account. Kaya ang mga account na gumagamit ng kaniyang pangalan at naglalabas pa daw ng mga pahayag ay peke daw.
Nilinaw na ni Presidential Spokesperson Harry Roque hindi dapat hinaharang ang food delivery.
“A video, which has been circulating online, has come to our attention. Lugaw, or any food item for that matter, is considered an essential good. Delivery of food items must remain unhampered 24/7. Huwag natin harangin sa checkpoints,” paliwanag ni Spox Harry Roque.
Ganito din ang pahayag ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa isyu.
Nakausap naman ng GMA News ang ilang taga-barangay upang hingin ang kanilang reaksyon sa isyu.
“Kailangan papasukin mo kasi importante iyon,”
“Basta po essential, tungkol sa pagkain, pagbili ng gamot, emergency, magtatrabaho, kahit anung oras po iyon, papasukin at palabasin,”
WATCH| Babae sa Viral Lugaw Video Nagbigay na ng Pahayag "Stop bashing me, give me a chance to change my mistakes"
Reviewed by haplasin
on
April 01, 2021
Rating:
No comments:
Note: Only a member of this blog may post a comment.