Nagtamo ng saksak sa tiyan ang magpinsan sa Mangaldan, Pangasinan matapos saksakin ng person with disability PWD na putol ang isang kamay. Aniya sumama umano ang loob ng suspek matapos siyang pagkatuwaan ng mag pinsan at gawing "mikropono" ang kanyang putol na braso.
Nakilala ang mag pinsa na biktima na sina Gerry Basa, 33-anyos at Rodrigo Nisperos, 34-anyos habang inaresto naman ang PWD suspek na si Jorge Frianeza, 54, ng Barangay Anolid sa nasabing bayan.
Ayon sa Mangaldan Police Station, nag-iinuman umano ang tatlo nang mauwi ito umano sa pambu-bully ng magpinsan sa suspek.
Binalewala muna ng suspek ang pang-aasar sa kaniya ng magpinsan dahil lasing lang ang mga ito.
Ngunit, nagpatuloy ang kanilang pangkukutya kaya napilitan itong pumatol.
"Pinaglaruan yung PDW na suspek ginawang parang micropone yung braso niya. Kaya ayun nainsulto yung suspek,” ani P/Lt. Jun Wacnag, hepe ng Mangaldan Police Station.
Ayon kay Frianeza, ipinagtanggol lang niya ang sarili sa pang-aasar ng mga biktima.
"Ganito na kalagayan 'ko tapos tatawagin pa kong ganun. Sobrang sakit po maam kaya hindi ko na nakontrol ang sarili," saad ng suspek.
"Wala po silang karapatan na i-bully ako," dagdag pa niya.
Kasalukuyang nasa kritikal na kondisyon ang magpsinsan sa ospital habang humaharap sa kasong frustrated homicide ang suspek.
PANOORIN| Isang PWD na putol ang isang kamay sin@ksak ang mag pinsan na nam-bubully sa kanya!
Reviewed by haplasin
on
April 21, 2021
Rating:
No comments:
Note: Only a member of this blog may post a comment.