MUST WATCH| Dalawang Vlogger na Nang insulto umano at Nakisawsaw sa "Lugaw Issue", Kinasuhan na!


Mabilis na kumalat ang video tungkol sa isang barangay personnel sa delivery rider na nagsabing hindi umano 'essential goods' ang lugaw.

Samantala, dalawang vlogger naman ang nahaharap ngayon sa kas0ng Unjust Vexation dahil sa ginawa nila noong kumalat ang nasabing video. 

Ayon sa barangay official ng Muzon San Jose Del Monte, Bulacan, may dala umano ang dalawang vlogger na ito ng lugaw at may nakasulat pa na "For baranggay Muzon, essential po ang lugaw, para po matikman nyo lahat ng taga Baranggay Muzon *Happy Eating*"



Habang inaabot ang lugaw sa kanila ay nagvo-vlog pa umano sila. Sinabi din ng barangay official na tila pang-iinsulto ang ginawa sa kanilang barangay.
Magmula pa umano noong niluluto ang lugaw na binigay sa barangay, kinukuhanan pa ng video ng dalawang vlogger.

Ang dalawang vlogger na ito ay nagmula pa umano sa Bagong Silang. Nakakadagdag pa umano sila sa issue na kinahaharap ng barangay. Sa ngayon ay hawak na ng pulisya ang dalawang vlogger na ito.

Ano ba ang Unjust Vexation?

Ang unjust vexation ay base sa Article 287 ng ating Revised Penal Code kung saan nakasaad: “any other coercion of unjust vexation shall be punished by arresto menor or a fine ranging from One thousand pesos (P1,000) to not more than Forty thousand pesos (P40,000), or both.” Ibig sabihin, maa-ring makulong ng mula isa hanggang tatlumpung araw at/o magmumulta ng mula isang libong piso hanggang apatnapung libong piso ang sinumang mahahatulang nagkasala ng krimen ng unjust vexation.


MUST WATCH| Dalawang Vlogger na Nang insulto umano at Nakisawsaw sa "Lugaw Issue", Kinasuhan na! MUST WATCH| Dalawang Vlogger na Nang insulto umano at Nakisawsaw sa "Lugaw Issue", Kinasuhan na! Reviewed by haplasin on April 02, 2021 Rating: 5

No comments:

Note: Only a member of this blog may post a comment.

Powered by Blogger.