WATCH| Janine Gutierrez may bagong reklamo sa Gobyerno “Walang Malasakit! Sa dami ng inutang natin, Konti palang ang nababakunahan?”


Isa si Janine Gutierrez sa mga artista na nagpakita ng pag aalala sa nangyayari ngayon sa gitna ng tumataas na kaso ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa kanyang tweet, tinawag ni Janine na “walang malasakit” ang mga nakaupo sa gobyerno dahil sa nangyayari ngayon.

Ayon sa kanya ay napakatagal ng nagdudusa ng mga Pilipino kaya’t hindi niya maatim na hanggang ngayon ay kailangan parin nilang magtiis.

“Napaka-walang malasakit naman. isang taon nang nagtitiis ang mga Pilipino, imbis na magbigay ng solusyon, ang maipapayo mo ay mag-tiis parin at wag magreklamo? hanggang kelan? masunurin at maintindihin ang Pinoy, kung meron lang sanang matinong maaasahan,” ani Janine.

Nakakuha naman ng halong reaksyon mula sa mga netizens si Janine at may ilan na sinubukan pang makipagtalo sa aktres.

Ayon kay Kyle Rowley, hindi lang naman daw ang Pilipinas ang nagtitiis ngayon sa panahon ng pandemya.

Sagot naman ni Janine, masaya daw siya kung kaya pang magtiis ng nasabing netizen.

May isa namang netizen ang tinanong siya kung ano ang naiisip niyang solusyon sa problema ng bansa.

Tugon naman ni Janine, mass vaccination daw ang sagot sa nangyayari ngayon sa Pilipinas.

“Mass vaccination is one. Sa dami ng inutang natin para sa bakuna, ang konti palang ng nababakunahan,” sagot ni Janine.

Ayon sa IATF, maaring mag umpisa ang mass vaccination program ng gobyerno sa mga susunod na buwan kapag dumating na ang supply ng bakuna.

Sa ngayon ay may mahigit 300,000 pa lamang ang nababakunahan sa Pilipinas.

Paliwanag naman ng gobyerno, banko ang may hawak ng pera na inutang nila pambayad sa bakuna kaya dapat hindi mag alala ang mga tao.


“Yung pera na bilyon na bilyon na ibinigay nila sa Kongreso akala nandiyan na sa kamay natin, that it’s cold cash. Sinasabi na natin time and again that the money is with the lending bank… still. So we have not used a single centavo,” ani Pangulong Rodrigo Duterte sa nakaraang pagpupulong.

“About the vaccines that we are going to buy, well donated ito lahat sa ngayon…Ngayon itong darating, darating na ‘yung babayaran natin. Doon pa dapat sila magtanong kung nasaan na ‘yung pera,” dagdag niya pa.




WATCH| Janine Gutierrez may bagong reklamo sa Gobyerno “Walang Malasakit! Sa dami ng inutang natin, Konti palang ang nababakunahan?” WATCH| Janine Gutierrez may bagong reklamo sa Gobyerno “Walang Malasakit! Sa dami ng inutang natin, Konti palang ang nababakunahan?” Reviewed by haplasin on March 24, 2021 Rating: 5

No comments:

Note: Only a member of this blog may post a comment.

Powered by Blogger.