WATCH| Isang OFW na nag TikTok sa loob ng Mosque sa Saudi, humagulgol Dahil sa Pagkawala ng Trabaho “Ako lang po inaasahan ng pamilya ko”


Sibak sa trabaho ang isang Overseas Filipino Worker (OFW) sa Saudi Arabia matapos itong mag sayaw sa loob ng isang Mosque upang mai-post niya sa kanyang Tiktok.

Itinago sa pangalang 'JM' ang babaeng OFW na nahaharap ngayon sa posibleng deportation dahil sa diumano'y hindi nito pagpapakita ng respeto sa loob ng bahay dasalan ng mga Muslim sa Al-Khobar.

Depensa ni JM ay hindi naman malaswa ang kanyang ginawang pagsasayaw sa loob ng Mosque.

"Monday po mga before 10:00 or 9:00 am ay nakaabot po agad sa office [ang Tiktok video]. Tinawagan po yung manager ko na burahin ko yung Tiktok ko na sayaw pagkatapos po pumunta po yung investigator sa store tapos hindi na ako nakapasok. Itong Thursday ay nalaman ko na terminated na ako"

Inulan kahapon ng negatibong komento ang ginawa ni JM dahil kilalang mahigpit ang Saudi Arabia sa pagpapatupad ng kanilang relihiyon.

Posibleng hindi na makabalik ng Saudi at sa iba pang gulf states ang nasabing OFW dahil sa kanyang kagagawan.

Sa isang video ay makikita namang umiiyak ang isa pang babae at humihingi ng tawad sa publiko dahil sa kanyang ginawang pagsasayaw.

Hindi malaman kung siya ba si JM o isa lang sa mga kasama ng nasabing OFW sa loob ng Mosque.

Depensa kasi niya ay hindi naman daw siya 'yung babae na sumasayaw sa video at kinuhanan niya lamang ito.

Humingi pa ito ng isa pang pagkakataon dahil sa kanya umaasa ang kanyang pamilya.

"Humihingi po ako ng tawad sa inyo, hindi ko naman intensyon na mangyari po 'yon. Sa lahat po ng Muslim patawarin niyo po ako, hindi ko po sinasadya, bigyan niyo po ako ng pagkakataon, ako nalang po inaasahan ng pamilya ko," ani ng babae.

Ang pagkakamali lang daw niya ay inilagay niya sa Tiktok ang nasabing pagsasayaw.

Ayon naman sa ilang balita ay bukas naman daw ang gobyerno ng Saudi Arabia na patawarin ang OFW.

Paalala naman ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ay dapat mag doble ingat ang mga OFW sa Saudi sa kanilang mga inilalagay sa social media.


WATCH| Isang OFW na nag TikTok sa loob ng Mosque sa Saudi, humagulgol Dahil sa Pagkawala ng Trabaho “Ako lang po inaasahan ng pamilya ko” WATCH| Isang OFW na nag TikTok sa loob ng Mosque sa Saudi, humagulgol Dahil sa Pagkawala ng Trabaho “Ako lang po inaasahan ng pamilya ko” Reviewed by haplasin on March 23, 2021 Rating: 5

No comments:

Note: Only a member of this blog may post a comment.

Powered by Blogger.