PANOORIN| Module, pinuna matapos gawing paksa ang pagiging traffic enforcer noon ni Mar Roxas: “Wala kayong tinuturo na tama!”


Pinuna ng ilang netizens ang Department of Education (DepEd) matapos lumabas ang ilang litrato ng module kung saan ay ginawang paksa ang diumano’y pagiging traffic enforcer noon ni Mar Roxas.

Sa nasabing module na para diumano sa mga Grade 6 students ng Filipino subject, makikita ang mga salitang “Pakitang-tao ang ginawa ni Mar Roxas” at “Mistulang basang-sisiw si Mar Roxas sa bidyo”.

Galing diumano ang nasabing litrato kay Gina A. Policarpio na tinawag ang pansin ng DepEd upang bigyan ng disiplina ang mga nasa likod ng nasabing module.

“What kind of writers/authors do you have? Puro kabastusan. Ayusin niyo yan! Wala kayong tinuturo na tama!” reklamo ni Policarpio.

Kahit ang showbiz writer na si Ogie Diaz ay hindi naitago ang pagkadismaya sa nasabing module.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang DepEd tungkol sa nasabing module.

Isa na ata sa mga hindi malilimutang eksena pagdating sa politika ang ginawa ni Roxas noong 2014 sa gitna ng kanyang termino bilang Department of Interior and Local Government (DILG) secretary.

Ibinabad niya kasi ang kanyang sarili noon sa ulan upang maging traffic enforcer sa gitna ng nangyayaring rally noon sa isinasagawang SONA ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Nagbuhat narin si Roxas noon ng sako ng sibuyas, nagdala ng bawang sa senado at kumain sa baso.



PANOORIN| Module, pinuna matapos gawing paksa ang pagiging traffic enforcer noon ni Mar Roxas: “Wala kayong tinuturo na tama!” PANOORIN| Module, pinuna matapos gawing paksa ang pagiging traffic enforcer noon ni Mar Roxas: “Wala kayong tinuturo na tama!” Reviewed by haplasin on March 27, 2021 Rating: 5

No comments:

Note: Only a member of this blog may post a comment.

Powered by Blogger.