NAGSARA NALANG| Pinagbilhan ng lugaw ng rider sa viral video, nakasara matapos ang isyu: “Ang daming naapektuhan sa nangyari,”


Malungkot na ibinalita ng food delivery rider sa isang viral na video na ang tindahan na pinagbilhan niya ng ‘lugaw’ na naging usap usapan ngayon sa social media ay isinara na.

Sa isang Facebook post, ipinakita ni Marvin Ignacio ang pagsasara ng ‘Lugaw Pilipinas’ isang araw matapos mag viral ang kanyang video kung saan ay makikita ang kanyang pakikipagtalo sa ilang barangay official tungkol sa lugaw na ipapadala niya sana sa kanyang customer.

Matatandaan na isa sa mga opisyal ng nasabing barangay sa San Jose Del Monte, Bulacan ang ipinagpilitan na hindi kasama sa listahan ng essential goods ang lugaw na ipinabli sa kanya.

“Update po sa Lugaw Pilipinas, ito siya ngayon naka close na. Ang daming naapektuhan sa nangyari nawalan ng pagkukuhanan sana maayos na po yung issue  may mga pamilya rin po kaming binubuhay.” sabi ni Ignacio.

Hindi naman malaman kung may kinalaman ba ang mga opisyal ng barangay sa pagsasara ng nasabing bilihan ng lugaw.

Sa nasabing video ay maririnig ang isang opisyal na ipinagpipilitan na hindi kasama ang lugaw sa mga kinakailangan ng tao ngayong ECQ.

“Para sa private establishments, essential goods and services. Essential po ba si lugaw? Hindi kasi mabubuhay ang tao ng walang lugaw. Ang essential, tubig, gatas, groceries,” sabi ng opisyal.

Hindi pa pinapangalanan ang nasabing opisyal, ngunit nilinaw na ng Malacanang na kasama ang pagkain katulad ng lugaw sa mga essential goods.


NAGSARA NALANG| Pinagbilhan ng lugaw ng rider sa viral video, nakasara matapos ang isyu: “Ang daming naapektuhan sa nangyari,” NAGSARA NALANG| Pinagbilhan ng lugaw ng rider sa viral video, nakasara matapos ang isyu: “Ang daming naapektuhan sa nangyari,” Reviewed by haplasin on March 31, 2021 Rating: 5

No comments:

Note: Only a member of this blog may post a comment.

Powered by Blogger.