LOOK: Bishop Pabillo may banta sa Gobyerno "Susuwayin ng Simbahan ang Pagbabawal ng Gobyerno sa Mass Gatherings?"
Hindi tatalima si Bishop Broderick Pabillo sa inilabas na patakaran ng Duterte Government ukol sa pagbabawal sa mass gatherings. Giit pa ni Pabillo na sumusunod naman daw ang simbahan sa minimum health protocols sa ilalim ng general community quarantine.
Ayon sa pari, nilalabag daw ng Inter-Agency Task Force ang religious freedom at ang separation of Church & State.
“Mayroon po tayong religious freedom. Hindi nila pwede tayong pagbawalan sa ating religious activities within the church. Sumusunod naman tayo sa patakaran. Nakita naman na ang ating Simbang Gabi ang daming tao, sa ating Nazareno na ang daming tao, mga piyesta ang dami ring tao, wala namang nangyayari sa atin,” ani Bishop Pabillo.
“Kaya tuloy tayo sa ating activities. Limited, na mayroon tayong social distancing, tuloy tayo sa ating online activities, ini-encourage natin pero kung sinong faithful na gustong dumating within our limits at tayo ang magli-limit sa loob ng simbahan natin, hindi sila, ipagpapatuloy natin,” dagdag pa ng obispo.
Banat naman ng Malacañang, pag itinuloy ng pari ang paglabag ay pwedeng ipasara ang simabahan.
“We ask Bishop Pabillo not to encourage disregard of IATF rules. Ito naman po ay para sa kabutihan ng lahat… in the exercise of police powers, we can order the churches closed….Huwag sana pong dumating doon, Bishop Pabillo.
Wala po tayong makakamit na kahit anong objective if you will defy and you will force the state to close the doors of the church,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque.
Ngayong Marso ay dumami muli ang kaso sa Pilipinas kaya napilitan ang gobyerno na gumawa ng hakbang upang mapigilan ang pagkalat ng sakit.
LOOK: Bishop Pabillo may banta sa Gobyerno "Susuwayin ng Simbahan ang Pagbabawal ng Gobyerno sa Mass Gatherings?"
Reviewed by haplasin
on
March 23, 2021
Rating:
No comments:
Note: Only a member of this blog may post a comment.